2025 na! At kasama nito ang exciting na raffle promo para sa ating Share Capital Build Up!
Nagsimula na ang promo ngayong buwan ng Enero at magtatapos sa Disyembre ng taong ito. Kaya naman, siguraduhing handa ka na para sa chance na manalo ng mga bonggang premyo!
Sino ang pwedeng sumali?
Ang lahat ng miyembro na may Share Capital Build Up account ay maaaring sumali sa raffle promo natin sa taon na ito. Isa ito sa paraan namin mga kamay-ari para mas matulungan namin kayo na makapag-ipon para sa INYONG KINABUKASAN.
Paano sumali?
Para makasali, kailangan mo lang magdeposit sa iyong Share Capital Account ng Php500 pesos. Kada Php500 pesos na idinagdag mo sa iyong account ay katumbas ng isang raffle entry. Kaya mas malaki ang iyong Capital Build Up, mas marami ang iyong entries at mas malaki ang chance mo manalo!
Ano ang mga premyo?
QUARTERLY PA-RAFFLE:
1 winner ng Nuah Thai Massage
5 winner ng groceries
5 winner ng 5 kilos of rice
FIRST RAFFLE:
1 winner ng Automatic Washing Machine
GRAND RAFFLE
All in Boracay Package
3 days vacation
good for 2
Kailan ang draw?
Ang Quarterly Raffle draw ay sa ating FB Live at ang GRAND raffle draw ay sa susunod na taon April 2026 sa ating Special Assembly.
Kaya ano pang hinihintay mo? Palakihin ang iyong Capital Build Up at sumali sa 2025 Raffle Promo!